GOBYERNO, MAGING TRANSPARENT SA KA-PARTNER SA BROADBAND PROGRAM

HINIMOK ni Senador Grace Poe ang gobyerno na maging transparent sa pagpili ng partners sa pagtatayo ng sarili nitong broadband network sa pamamagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Inihayag ng chairperson ng Senate Committee on Public Services na naglaan ang Senado ng P5.9 billion para sa National Broadband Program sa ilalim ng panukalang 2021 national budget.

Bagama’t walang kondisyong inilatag sa pagpili ng mga kokontrata sa proyekto, inaasahan ni Poe na gagawin ng National Security Council ang kanilang trabaho.

Sinabi ni Poe na dapat maging maingat sa pakikipag-negosasyon sa mga Chinese company.

“Definitely, it should always be a concern. We’ve seen in other countries, they’ve actually put up on this,” diin ni Poe.

“I hope the security group or the National Security Council will be transparent when it comes to their mechanism [on] which companies are qualified or not,” dagdag nito.

Layon ng National Broadband Program na mapalakas ang internet quality, coverage at affordability sa bansa.

Inihayag ni Poe na sa hiniling ng DICT na P18 bilyon para sa proyekto, binigyan ito ng ‘laughable’ na P900 milyong alokasyon sa National Expenditure Program.

Sa deliberasyon sa Senado, nagkasundo ang mga senador na itaas ito sa P5.9 billion. (DANG SAMSON-GARCIA)

163

Related posts

Leave a Comment