ITO ang idineklara ng pinuno ng lahat ng military forces na nakatalaga sa mga area na sakop ng hilagang bahagi ng Metro Manila kasunod ng direktiba sa lahat ng mga tropa na magsagawa ng mas maigting na military and intelligence operation laban sa komunistang New People’s Army.
“No let up operations this holiday season,” ang ibinabang kautusan nitong Martes ni Lt. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., commander ng AFP Northern Luzon Command, kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “ceasefire is dead” sa hanay ng CPP-NPA.
Ayon kay Lt. Gen, Burgos, tatalima ang lahat ng mga sundalo sa desisyon ni PRRD na huwag nang magdeklara ng tigil-putukan ngayong yuletide season dahil palagi namang itong nilalabag ng CPP-NPA.
Hindi umano nakikitaan ng sinseridad ang makakaliwang hanay at sa halip ay ginagamit pa ang Christmas truce para magpalakas ng puwersa, mangalap ng mga bagong recruit, magsagawa ng pagsasanay at paigtingin ang kanilang pangingikil, ayon pa sa opisyal.
Sinasabing nasa NOLCOM ngayon ang momentum sa isinusulong na kampanya laban sa komunistang grupo kasunod ng pagkaneyutralisa sa isang NPA Regional White Area secretary at dalawang NPA finance officers, na bahagi ng numerous intelligence-driven encounters sa northern and central Luzon.”
“We can, and we will, crush insurgency in this part of the country within the given timeline which will allow us to completely refocus our efforts in preserving and upholding our sovereignty over every inch of Philippine territory,” ani Lt. Gen. Burgos. (JESSE KABEL)
348
