KANSELADO ang taunang fluvial at foot procession ng imahen ng Sto. Niño o Dinagyang Festival sa Iloilo City na idinaraos tuwing Enero.
Mismong si Fr. Jose Gonzales, ang acting parish priest ng San Jose Parish, ang nagkumpirma nito sa press conference kasama ang Confradia del Sto. Nino de Cebu-Iloilo Chapter.
Isasagawa na lamang ang isang motorcade imbes na fluvial at foot procession.
Ang traditional procession ay kinansela dahil sa COVID-19 pandemic upang maiwasan ang pagsisiksikan ng mga tao.
Iaanunsyo nila ang ruta ng motorcade saka maglalabas ng advisory kung sino-sino ang maaaring makasama. (CATHERINE CUETO)
