Active covid cases sa Malabon lumobo sa 103 PASKO SA KWARANTINA NAMUMURO

POSIBLENG maraming mag-Pasko sa kwarantina sa lungsod ng Malabon, matapos na 25 ang bagong nagpositibo sa COVID-19 isang araw bago magsimula ang Simbang Gabi, Disyembre 15, at muling lumobo sa 103 ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay mula sa Barangay Acacia (1), Baritan (2), Catmon (6), Concepcion (4), Hulong Duhat (6), Longos (1), Niugan (1), Potrero (2), Tañong (1) at Tinajeros (1).

Sa kabuuan ay nasa 6,017 na ang tinamaan ng COVID sa lungsod.

Habang walo lamang ang naitalang nakarekober sa siyudad. Sila ay mula sa Barangay Baritan (1), Flores (1), Longos (2), San Agustin (1), Tañong (2) at Tugatog (1). Sa kabuuan ay 5,688 ang recovered patients ng lungsod.

Bunsod nito, maraming residented ang nalungkot dahil mula sa pagbaba ay unti-unti na namang tumataas ang bilang ng confirmed cases sa lungsod dahil sa kabila ng paulit-ulit na paalala, marami pa rin ang sumusuway sa public health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, paghuhugas ng kamay, at physical distancing. (ALAIN AJERO)

99

Related posts

Leave a Comment