Mga inaanak idinahilan sa pagtutulak MANGINGISDA TIKLO SA BUY-BUST

SWAK sa hoyo ang isang mangingisdang nagtulak umano ng droga para may maibigay na regalo sa mga inaanak pagsapit ng Pasko, nang masakote sa buy-bust operation sa Navotas City.

Arestado si Romeo dela Cruz, 40, ng R. Domingo St., Brgy. Tangos North, matapos bentahan ang isang undercover cop ng P300 halaga ng shabu.

Pagkaabot ng suspek ng droga sa poseur buyer kapalit ng marked money ay dinaluhong siya ng mga parak at nakumpiskahan ng 1.7 gramo ng shabu na P11,560 ang halaga, marked money at P200 salapi.

Binitbit sa presinto ang suspek na kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALAIN AJERO)

326

Related posts

Leave a Comment