Botika front sa ilegal na aktibidad P2-M SHABU NASABAT SA TULAK

ARESTADO sa buy-bust operation ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) dakong 1:45 ng hapon noong Miyerkoles ang isang tambay sa Brgy. San Dionisio, Parañaque City.

Sa nakuhang inisyal na impormasyon, ginagawang front ng suspek na si Michael Salinas Concepcion ang pagbili ng gamot sa isang botika sa Tramo Uno St., Brgy. San Dionisio sa kanyang mga ilegal na transaksyon ng bawal na droga.

Paborito umanong lugar ng suspek sa kanyang ilegal na operasyon ang nasabing drugstore na lehitimo naman ang negosyo.

Nakuha sa suspek na si Concepcion bilang ebidensya ang isang piraso ng P1,000 bill at 250 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P2 milyon ang halaga. (DAVE MEDINA)

95

Related posts

Leave a Comment