PATAY ang isang lalaki makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad na naghain sa kanya ng search warrant sa Malabon City nitong Sabado ng umaga.
Ayon sa pulisya, dakong alas-8:15 ng umaga nang isilbi ang search warrant kay Gabriel Fernandez, alyas “Jojo Taba” sa Delos Santos, Brgy. Tonsuya.
Desidido umano ang mga parak na madala si Fernandez ngunit ayaw magpahuli ng buhay ng suspek kaya nauwi sa barilan ang operasyon hanggang sa masapol ang huli.
Itinakbo ng ambulansya ng Barangay Tonsuya ang suspek sa pinakamalapit na ospital ngunit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga. (ALAIN AJERO)
