RIDER VS RIDER, 1 PATAY

PATAY ang isang rider habang malubha namang nasugatan ang isa pa matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Caloocan City.

Hindi umabot nang buhay sa Bernardino General Hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Jet Helina, 24, ng B10, L10, Manga St., Amparo, Brgy. 179 ng lungsod.

Kasalukuyan namang nakaratay habang ginagamot sa Philippine Orthopedic Hospital si John Michael Villanueva, 20, ng Bayabas St., Amparo Subd., Brgy. 179.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Dennis Michael Natividad, dakong alas-11:00 ng gabi, minamaneho ni Helina ang isang Euro motorcycle samantalang minamaneho naman ni Villanueva ang isang Honda Click motorcycle at kapwa tinatahak ang kahabaan ng Malantik St. sa opposite direction.

Pagsapit malapit sa kanto ng Ipil St., Amparo, Brgy. 179, nagsalpukan ang dalawang motorsiklo. (FRANCIS SORIANO)

320

Related posts

Leave a Comment