RIDER ITINUMBA SA HIGHWAY

RIZAL – Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin habang lulan ng motorsiklo sa Sitio Catmon, Brgy. San Rafael sa bayan ng Rodriguez sa lalawigang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Ricky Bulfani Longga, nalagutan ng hininga sa H-Ville Hospital sa Brgy. Manggahan.

Napag-alaman, alas-6:55 ng gabi noong Miyerkoles, lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo nang bigla siyang barilin ng suspek na si Reynaldo Quintana sa hindi nabatid na dahilan.

Isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan ngunit dakong alas-10:00 ng gabi ay nalagutan ng hininga.

Kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad ang nasabing suspek. (CYRILL QUILO)

133

Related posts

Leave a Comment