DATING TSERMAN TODAS SA AMBUSH

BATANGAS City – Patay ang isang 50-anyos na negosyanteng dating barangay chairman, makaraang pagbabarilin dakong alas-7:00 ng umaga sa harap ng kanyang bahay sa Brgy. San Vicente, sa lungsod ng Sto. Tomas sa lalawigang ito, nitong Huwebes.

Kinilala ni Batangas Provincial Police Director, P/Col. Rex Arvin Malimban ang biktimang si David Garcia y Chavez, residente sa Brgy. San Vicente, Sto. Tomas City.

Ayon sa report ni P/Lt. Mary Ann De Villa Espina, Provincial Information Office chief, pinagbabaril ang biktima ng hindi kilalang mga suspek na sakay ng isang itim na SUV.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang posibleng motibo sa krimen at kung sino ang mga suspek. (CYRILL QUILO)

141

Related posts

Leave a Comment