SINAGIP ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong menor de edad na sinasabing biktima ng online sexual exploitation, sa Dasmariñas, Cavite.
Ayon kay Atty. Ferdinand Lavin, tagapagsalita ng NBI, ang tatlong menor de edad ay nasagip ng NBI Anti-Human Trafficking Division.
Nabatid sa ulat, isinagawa ang operasyon makaraang magbigay ng impormasyon ang Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Philippine Internet Crimes Against Children Center at pinaimbestigahan ito sa NBI.
Kasunod nito, nadiskubre ng NBI na may isang Filipina na nakikipag-ugnayan sa isang US based na lalaki na nagbibigay umano ng pera kapalit ng Online Sexual Exploitation of Children (OSEC) materials.
Kaagad namang nagsagawa ng surveillance operation ang NBI at nabatid na ang isa sa mga biktima ay anak pa mismo ng suspek na Filipina. (RENE CRISOSTOMO)
159
