PINAGBABARIL at napatay ang tserman ng Barangay Hulong Duhat sa Malabon City sa loob ng kanyang bakuran noong Lunes ng hapon.
Ayon sa ulat, alas-4:00 ng hapon nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek ang biktimang si Anthony “Tune” Velasquez, 40, na hindi umabot nang buhay sa ospital.
Ayon sa impormasyon, nakatanggap ng mga banta ang kapitan mula sa mga ilegalista sa kanyang nasasakupan.
Mariin namang kinondena ng pamahalaang lungsod ng Malabon ang pagpatay kay Velasquez. (ALAIN AJERO)
