CONTRACTOR SA P75-B PORK NAGSAULI NG P200-M KOMISYON

andaya1

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAG-IIYAKAN na ang mga kontraktor sa P75 billion halaga ng proyekto na isiningit ni Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno dahil nauwi umano sa bula ang mga komisyon na ibinayad ng mga ito kapalit ng napanalunang proyekto, dahil naglaho ang pondong ito sa ilalim ng 2019 national budget.

“Sen. Ping Lacson’s source is right on the dot. The P75-billion insertion had already been peddled to contractors across the country. The amount of commission asked by proponents, however, ranges from 10 percent to 20 percent per project , according to my sources,” ani House appropriation committee chair Rolando Andaya Jr.

Dahil P75 billion ang sangkot na halaga ng proyekto na naibid-out na aniya noong Oktubre 2018 pa lamang, , P7.5 billion hanggang P15 billion ang katumbas ng 10 hanggang 20 porsyento.

“Ang problema rito, malabo nang makuha ng mga nanalong bidders ang mga proyektong kasama sa P75-billion insertion. Nauwi sa bula ang mga proyektong binayaran nila through cash advance,” ani Andaya.

“What I heard, these favored contractors have two choices: renegotiate for new batch of infrastructure projects or compel the project proponents to return the cash advance in full. Kung hindi isasauli ang pera, puwedeng manganib ang buhay ng suwapang na project proponent,” ayon pa kay Andaya.

Hindi nagbigay ng impormasyon si Andaya kung sino ang tinutukoy nitong mga proponent ng proyekto a nai-bidding na kahit pinag-uusapan pa lamang ang budget subalit mayroon naman umanong nakonsensya.

Inihalintulad ng kongresista ang kaso umano ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan na agad na nagsoli ng tinanggap na komisyon matapos malaman na binura ang P75 billion proyekto ni Diokno sa ipinasang 2019 national budget.

“I even heard of one project proponent, a high-ranking government official, who had to return his P200-million cash advance in full to a group of Mindanao-based contractors for fear of his life. Mukhang mas mahal pa rin ng opisyal ang buhay niya kaysa sa komisyon,” ayon pa kay Andaya.

Hindi rin pinangalanan ni Andaya ang nagsoli ng P200 million na tinanggap na komisyon sa proyektong bahagi ng P75 Billion na isiningit ni Diokno sa national budget na hindi alam ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaya binura at ginamit na lang sa ibang bagay ang nasabing halaga.

 

 

144

Related posts

Leave a Comment