24 DRUG PUSHERS SA CAVITE, HULI

CAVITE – Inagaw ng bayan ng Tanza ang ‘trono’ ng may pinakamataas na bilang ng mga nahuling hinihinalang tulak ng ilegal na droga, sa isinagawang magdamagang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat, isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-2:30 noong Biyernes ng hapon hanggang alas-12:55 ng madaling araw nitong Sabado na nagresulta sa pagkakadakip sa 24 umano’y drug pusher sa tatlong lungsod at limang bayan.

Sa bayan ng Tanza, pitong hinihinalang tulak ang nakipag-transaksiyon sa poseur buyer na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto, habang sa General Mariano Alvarez (GMA) ay lima ang nadakip; sa Dasmarinas City (4); Cavite City (3); tig-2 naman sa Kawit at Naic habang tig-1 sa Trece Martires City at sa Mendez.

Ang mga inaresto ay karagdagang bilang na isinama sa nagsisiksikang mga preso sa Cavite Custodial Center. (SIGFRED ADSUARA)

190

Related posts

Leave a Comment