CAVITE – Imbes na maayos ang hindi pagkakaunawaaan, mga saksak ang sumalubong sa isang 20-anyos na binata nang tinangka nitong makipagkasundo sa dating kaalitan sa Bacoor City, sa lalawigang ito.
Nilalapatan ng lunas sa Metro South Hospital ang biktimang si Ralph Laurence Castillo, ng Block 38, Lot 18, Felican St., Amaris Homes, Brgy. Molino 4, Bacoor City dahil sa mga tama ng saksak mula sa suspek na si Robert Andalis, 49, may asawa, isang courier rider, ng Blk. 25, Lot 7, Robin St., Phase 1, Amaris Homes, Brgy. Molino 4, Bacoor, City, Cavite.
Ayon sa ulat ni Pat. Jerome Asid ng Bacoor City Police, kasama ang ama, nagtungo sa bahay ng suspek ang biktima dakong alas-6:30 noong Biyernes ng umaga upang makipag-ayos sa dating kaalitam.
Nakipag-usap naman ang suspek ngunit humantong ito sa mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ito ng kutsilyo at pinagsasaksak ang biktima.
Mabilis namang nagresponde ang barangay patrol na siyang nagdala sa ospital ang biktima
Hindi naman narekober ang ginamit na kutsilyo ng suspek. (SIGFRED ADSUARA)
207
