39 PARTY-LISTS ‘IBABASURA’ NA NG COMELEC

KIKILOS na ang Commission on Elections (Comelec) laban sa mga party-list na hindi pumasa sa pamantayan ng batas hinggil sa sistemang party-list sa bansa.

Sa paglilinis ng listahan ng party-list, ginamit at idiniin ng Comelec ang kapangyarihang ibinigay sa kanya ng “Party-List System Act” na nagsasabing awtorisado ang ahensiya na magtanggal o magkansela, ng rehistrasyon ng party-list group kapag hindi nasunod ang mga pamantayan sa sistema nito tulad ng pagkabigong lumahok sa nakalipas na dalawang magkasunod na halalan, o kabiguang makakuha ng dalawang porsyentong boto mula sa kabuuang boto sa bawat nakatakdang eleksyon.

Base sa inilabas na listahan ng Comelec, matatanggal na sa listahan sa hanay ng party-list groups na sasabak sa 2022 elections ang mga sumusunod:

1. ADING – Advance Community Development in New Generation

2. 1-AAMOVER – 1-A Action Moral & Values Recovery Reform of the Phils., Inc

3. ANG PAMILYA -Una Ang Pamilya

4. AG – Ang Galing Pinoy

5. ALAGAD – Alagad Party-List

6. ANAD – Alliance for Nationalism and Democracy

7. KAKUSA – Kapatiran ng mga Nakulong na Walang Sala, Inc.

8. KALIKASAN PARTY-LIST – Kalikasan Partylist

9. 1-AANI – Usa An Aton Nahigugma Nga Iroy Nga Tuna

Posible ring maalis na sa listahan dahil sa kabiguan na makakuha ng 2 porsyentong boto at kabiguang makakuha ng puwesto sa Kongreso ang mga sumusunod:

1. ALAY BUHAY – Alay Buhay Community Development Foundation, Inc.

2. ATING KOOP-Adhikaing Tinataguyod ng Kooperatiba

3. AVE – Alliance of Volunteer Educators

4. ABAKADA – Abakada Guro

5. BANAT – Barangay Natin

6. ABAMIN -Abante Mindanao, Inc

7. APPEND – Append, Inc

8. ANG NARS – Ang Nars, Inc

9. TAO MUNA – Ang Tao Muna at Bayan

10. AKO AN BISAYA – Ako An Bisaya

11. ANUPA – Alliance of National Urban Poor Organizations Assembly, Inc

12. CONSLA – Confederation of Non-Stock Savings and Loan Association, Inc

13. ASEAN – Academicians, Students and Educators Alliance, Inc

14. AMEPA OFW – Amepa OFW Access Center, Inc

15. FICTAP – Federation of International TV and Telecommunications Associations of the Philippines

16. GLOBAL – Global Workers and Family Federation, Inc

17. KMM – Kaisahan ng mga Maliliit na Magsasaka

18. METRO – Movement for Economic Transformation and Righteous Opportunities

19. PM – Partido Manggagawa

20. SAMAKO – Sandigan ng mga Manggagawa sa Konstruksyon

21. SINAG – Sinag Tungo sa Kaunlaran

22. ITO ANG TAMA – Tanggol Maralita, Inc

23. TINDERONG PINOY – Tinderong Pinoy, Inc

24. TRICAP – Tribal Communities Association of the Philippines

25. UNIDO – Union of Nationalist Democratic Filipino Organization

26. ALL-FISH – Alliance of Philippine Fishing Federations Inc.

27. AWAKE – Awareness of Keepers of the Environment, Inc

28. KAMAIS – Kamais Pilipinas (Kapatirang Magmamais ng Pilipinas, Inc)

29. PBB – Partido ng Bayan ang Bida

30. 1-AHAPO – One Bagong Ahapo ng Pilipinas Party-list

Isasagawa ng Comelec ang pagbasura sa 39 party-list groups mula ngayong Pebrero hanggang bago maghalalan sa Mayo 2022.

Batay sa bagong alintuntuning inilabas ng Comelec kamakailan, sa Marso 31 ang huling araw ng pagpaparehistro ng lahat ng party-list groups na lalahok sa eleksyong 2022, kabilang ang mga mayroong kinatawan ngayon sa Kamara de Representantes. (NELSON S. BADILLA)

256

Related posts

Leave a Comment