TATLO ang bagong naitalang namatay dahil sa COVID-19 habang 50 naman ang nagpositibo sa nasabing sakit sa Valenzuela City noong Pebrero 9.
Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit, 270 na ang pandemic fatalities sa lungsod, 9,518 ang confirmed cases at 216 naman ang active cases.
Umakyat naman sa 9,032 ang bilang ng mga gumaling matapos na 46 ang makarekober.
Sa lungsod naman ng Navotas ay siyam ang nagpositbo sa COVID habang anim ang gumaling sa nasabing petsa.
Samantala, isang COVID-19 patient ang namatay sa Barangay Tinajeros, Malabon City noong Pebrero 9, ang ika-244 namatay dahil sa pandemya sa lungsod, ayon sa City Health Department (CHD).
Ayon pa sa CHD, nagkaroon din ng pagbabago sa datos ng mga gumaling sa Barangay Baritan dahil isa ang nagpositibo sa swab test sa ikalawang pagkakataon kaya’t mula sa 223 ay magiging 222 na lamang ang mga gumaling sa nasabing barangay.
Samantala, 23 ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing araw at sa kabuuan ay 6,393 na ang positive cases sa Malabon, 106 dito ang active cases.
Nabatid na 12 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Ang mga ito ay mula sa Barangays Concepcion (1), Hulong Duhat (6), Ibaba (1), Santulan (1) at Tugatog (3).
Sa kabuuan ay 6,043 na ang recovered patients ng lungsod. (ALAIN AJERO)
134
