BILANG bahagi ng selebrasyon ng Bureau of Customs 119th Founding Anniversary, ang Port of Surigao ay nagsagawa ng relief operations na ang layunin ay mapagaan ang kasalukuyang kondisyon ng kanilang Port personnel.
Ang okasyon ay pinamunuan ni Port of Surigao District Collector Noli P. Santua Jr. sa tulong ni Sister Maribel Ortega OSB ng Monesterio de San Benito at volunteer donors na pinangunahan naman ni Landbank Manager Mr. Charlito D. Arquion.
Kabilang sa mga benepisyaryo ay binubuo ng porters, stevedoers at dock workers na nawalan ng trabaho dahil sa pandemic.
Ang mga taong ito ay hindi pinayagan na makasampa sa mga barko para sa kanilang trabahong stevedoring at portering services dahil sa pandemya.
Ang outreach activity ay layunin na magbigay ng ayuda sa nawalan ng trabaho na port workers ngayong pandemya kaya pinaglaanan sila ng 5
kilos of rice, foods at iba pang pangangailangan para sa mahigit 120 port workers.
Sa pahayag ni Collector Santua sinabi niya na magpapatuloy ang pagtulong ng mga kalalakihan at kababaihan ng Port bilang pagkilala sa kanilang
serbisyo.
Ang Port of Surigao ay magpapatuloy sa kanilang trabaho at koordinasyon sa mga ahensiya ng gobyerno at volunteers gayindin ang pagpapahusay sa life condition ng port workers at supply chain bilang ambag nila at sa patnubay ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.
(Joel O. Amongo)
143 