IBINALIBAG sa selda ang limang mangingisda makaraang maaktuhan habang bumabatak ng umano’y shabu sa isang abandonadong bangkang pangisda sa Navotas City.
Alas-3:30 ng hapon noong Martes, nagpapatrolya ang Maritime Police sa Pier 5 Navotas Fish Port Complex sa Brgy. North Bay Boulevard North nang may marinig sila na parang mga nagkakasiyahan.
Nang tuntunin ang pinagmumulan ng ingay ay nabulagang nagpapasahan ng tooter habang humihigop ng usok ng shabu sina Joseph Mendoza, 36; Eduardo Bataanon, 49; Pepito Liwanag, 56; Sonny Umpad, 31, at Alejandro Dayao, 48, pawang mangingisda.
Kasama ring dinampot ang sinasabing mga “palamuti” sa piging na sina at Cristy Rivera, 41; at Janeth Batiancila, 42-anyos.
Nakumpiska sa mga suspek ang limang plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang P3,600 ang halaga, at drug paraphernalia. (ALAIN AJERO)
170 