NEGOSYANTENG NAG-RAMBO, KALABOSO

ARESTADO ang isang negosyante makaraang magwala at mamaril sa isang classy subdivision sa ParaΓ±aque City nitong madaling araw ng Biyernes.

Sa reklamong ipinarating sa ParaΓ±aque City Police, wala umanong kadahi-dahilan na nagwala at sunud-sunod na nagpaputok ng baril ang suspek na si Carlo Garin, 39-anyos na entrepreneur at residente sa Elizalde Avenue, Brgy. BF Homes, ParaΓ±aque City dakong alas-3:45 ng madaling araw nitong Biyernes.

Nabulabog at nahintakutan umano sa pagpapaputok ng baril ni Garin ang mga nanunuluyan sa #76-A Elizalde Ave., Brgy. BF Homes ParaΓ±aque City na sina Jose Mamondo, company guard, at Joseph Glenn Sumang, company driver, kaya pumunta ang mga ito sa police Station at humingi ng police assistance.

Sa mabilis na pagresponde ng mga pulis na sina P/Lt. Tyrone John Balanay, P/Cpl. Patrick Luna at P/Cpl. Jerick De Belen, naaresto si Garin at nakuha sa pag-iingat nito ang isang H&R Floro .32 revolver na may serial number NG021806; nakuha ring ebidensya ang isang live ammunition at apat na fired shell.

Nakadetine na ang suspek sa ParaΓ±aque City Police Station Custodial Facility habang inihahanda ang isasampa sa kanyang kasong illegal discharge of firearm at paglabag sa RA10591 o illegal possession of firearm, at alarm and scandal. (DAVE MEDINA)

159

Related posts

Leave a Comment