SUSI SA PAGBANGON NG EKONOMIYA

NANINIWALA si Senador Joel Villanueva na kapag napabakunahan ang lahat ng manggagawa, tuluyan nang makababangon ang ekonomiya at susulong muli ang bansa sa bagong normal.

Sa pahayag, sinabi ni Villanueva, chairman ng Senate committee on labor na dapat nasa priority lane ang pagbabakuna sa manggagawa dahil hindi makababangon ang ekonomiya kundi sila makababalik sa kanilang trabaho.

“We believe that we will be able to recover only if our workers are protected,” ayon kay Villanueva.

“Protected workers equals jobs,” aniya.

Base sa datos ng pamahalaan, umabot sa 17 milyon ang nawalan ng trabaho sa kasagsagan ng ECQ mula Marso hanggang Abril.

Aniya, milyong pamilya ang nagdusa sa kakapusan ng kita dahil sa pandemya.

Sinabi pa ni Villanueva na isang bagay lamang ang kailangan ng bansa upang makabangon, trabaho, trabaho, trabaho.

Aniya, inalis ng Kongreso ang balakid sa pagbili at administrasyon ng bakuna matapos maipasa at malagdaan ang batas ni Pangulong Duterte kamakailan. (ESTONG REYES)

109

Related posts

Leave a Comment