LA UNION MAYOR SUSPENDED ULIT SA KORAPSYON

SA ikalawang pagkakataon, nasuspindeng muli ang alkalde ng isang bayan sa lalawigan ng La Union.

Ang ikalawang pagpapatigil kay San Fernando Mayor Hermenegildo Gualberto na manatili sa puwesto ay ang ipinatupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na 90-araw na suspensiyong ipinag-utos ng Sandiganbayan.

Nakaugnay sa kasong katiwalian at korapsyon na isinampa ng Office of Ombudsman (OMB) sa Sandiganbayan, ang utos ng huli kay Gualberto.

Pumalit kay Gualberto si Bise-Alkalde Alfredo Pablo Ortega.

Inihabla ng OMB si Gualberto matapos mapatunayan na ginamit ng alkalde ang “development fund” sa pagpapasaayos ng liwasang bayan ng San Fernando.

Dahil dito, sinampahan ng kasong kriminal si Gualberto dahil sa paglabag sa Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

Ang kaso ay resulta ng reklamong inihain ng mga punong barangay sa OMB noong Enero 2020.

Dahil dito, sinuspinde ng OMB si Galberto ng anim na buwan noong Abril.

Umapela ang alkalde sa Court of Appeals (CA) kung saan pinawalang-bisa nito ang desisyon ng OMB kaya nakabalik sa puwesto si Gualberto noong Nobyembre.

Hindi tinanggap ng OMB ang nasabing desisyon, dahilan upang sampahan nito si Gualberto ng kaso sa Sandiganbayan.

Sa Oktubre 1 hanggang Oktubre 8 ang panahon ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng lahat ng tatakbo sa eleksyong 2022 mula sa pagkapangulo hanggang sa pagiging konsehal ng lungsod at bayan, ayon sa Commission on Elections (Comelec). (NELSON S. BADILLA)

133

Related posts

Leave a Comment