CHINESE TRADER PATAY SA KAWATAN

BATANGAS City – Natagpuang patay sa loob ng kanyang tindahan ang isang negosyanteng Chinese national nitong Martes ng madaling araw makaraang looban ang kanyang tindahan sa New Market, Brgy. Cuta sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Chen Ling Ling, 34-anyos.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-5:00 ng madaling araw nang matagpuan ng helper na si Roldan Logronio Yuga, na wala nang buhay habang nakahandusay sa sahig sa tabi ng kaha ng pera ang among si Ling na may mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pagnanakaw ang pangunahing motibo ng mga mga suspek sa krimen, ayon sa inisyal na imbetigasyon ng mga pulis.

Pinag-aaralan ng mga awtoridad ang kuha ng CCTV sa lugar upang makilala ang mga suspek sa insidente. (CYRILL QUILO)

137

Related posts

Leave a Comment