WALANG DAPAT IPAG-ALALA SA ASTRAZENECA – ROQUE

WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para mag-alinlangan ang mamamayang Pilipino na maturukan ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa kabila ng presensiya ng bagong variants ng coronavirus sa Pilipinas.

Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay makaraang magbabala si molecular biologist and OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco na ang AstraZeneca COVID-19 vaccine ay nagpakita ng mababang efficacy rate sa South African variant.

“As of March 4,” may 6 na COVID-19 cases ng South Africa variant sa Pilipinas.

Base sa Philippine Food and Drug Administration (FDA) evaluation, ang efficacy rate ng AstraZeneca ay umabot na sa 70% matapos ang first dose at ang nasabing rating ay tumaas makaraang ibigay ang second dose makalipas ang 4 hanggang 12 linggo. (CHRISTIAN DALE)

140

Related posts

Leave a Comment