MAG-UTOL NA HOLDAPER, NALAMBAT SA CAVITE

CAVITE – Nadakip ang dalawang lalaking magkapatid makaraang tangayin ang P18,000 halaga ng pera mula sa hinoldap nilang tindahan sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Abdul Rahim Madrona, 42, at Omar Madrona, 43, kapwa residente ng Kalayaan, Kawit, Cavite, agad nadakip ng mga awtoridad makaraan ang maigsing habulan,

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Jonathan Lagario, ng Tanza, Police, dakong alas- 2:50 ng hapon noong Biyernes nang mangyari ang insidente sa tindahan ng biktimang si Edgar Padulla, 50, ng Casa Amaya Subd., Brgy. Amaya 1, Tanza, Cavite.

Nagkunwari umano ang mga suspek na bibili ng softdrinks at nang buksan ng biktima ang gate ng kanyang tindahan ay biglang pumasok ang mga ito at tinutukan ng baril si Padulla saka nagdeklara ng holdap.

Pumalag ang biktima at nang tinangkang sumigaw ay pinalo ito sa ulo gamit ang baril ng isa sa suspek saka nilimas ang halagang P18,000 na benta ng tindahan saka mabilis na tumakas.

Ngunit tiyempo namang may nagpapatrulyang mga pulis na hinabol ang mga suspek hanggang sa makorner at nadakip ang mga ito. (SIGFRED ADSUARA)

119

Related posts

Leave a Comment