PINAGHAHANAP ng pulisya ang isang hinihinalang trigger-happy na nagpaputok ng baril na tumagos ang bala sa bahay ng isang residente sa Maragondon, Cavite noong Miyerkoles ng gabi.
Ayon sa salaysay ni alyas “Myra”, may-ari ng isang bahay sa Brgy. Pantihan 4, Maragondon, Cavite, bandang alas-6:00 ng gabi nang makarinig siya ng tila isang bagay na bumagsak sa bubong ng kanilang bahay sa Brgy. Pantihan 4, Maragondon, Cavite.
Inakala niyang ibon lamang ngunit nang kanyang inspeksiyunin ang pinanggalingan ng ingay ay nakita niya ang butas sa kanilang bubong at narekober ang isang bala.
Ayon naman sa ilang residente, wala silang narinig na nagpaputok ng baril at hinihinalang ang nagpaputok ay mula sa malayo. Wala namang iniulat na nasugatan sa insidente.
(SIGFRED ADSUARA)
102 