HINIKAYAT ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen ang mga bagong abogado na gamitin ang kanilang propesyon upang isulong ang tunay na hustisya at magkaroon ng kritikal na pag-iisip sa paglilingkod sa bayan.
Sa kanyang talumpati matapos tanggapin ang Doctor of Laws, Honoris Causa mula sa Saint Louis University sa Baguio City, sinabi ni Leonen na ang batas ay dapat magsilbing sandigan ng katarungan at hindi kasangkapan ng pang-aabuso.
Binigyang-diin din niya ang mga hamong dulot ng social media, artificial intelligence, kaginhawahan, at kasakiman, na aniya’y maaaring makaapekto sa wastong paghatol kung hindi gagamitin nang may pananagutan.
Hinimok din niya ang mga bagong abogado na ipagtanggol ang mahihirap, panindigan ang tama, at piliing gawin ang hustisya, hindi lamang ang batas.
Kinilala si Leonen ng Saint Louis University para sa kanyang natatanging ambag sa larangan ng batas, hustisya, at serbisyo publiko.
(JULIET PACOT)
55 