PATAY ang isang 42-anyos na technician ang atakehin umano sa puso habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Malabon City noong Sabado ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Richlee Mangali ng Block 6, Lot 11, Tahiti St., Crystal Places, Malagasang II-C, Imus, Cavite.
Ayon kay Malabon Police Vehicular Traffic Investigation Unit chief, P/Capt. Andres Victoriano, minamaneho ng biktima ang isang Honda Beat motorcycle na may plakang CC-27646, dakong alas-8:34 ng gabi sa C-4 Road patungong Navotas City.
Ngunit bago dumating sa kanto ng Leoño St., Brgy. Tañong ay nawalan ito ng kontrol sa manibela nang atakehin sa puso.
Isinugod ng rescue team ng Brgy. Tañong, ang biktima sa Ospital ng Malabon ngunit idineklarang patay na alas-10:35 ng gabi dahil sa atake sa puso. (FRANCIS SORIANO)
240
