Dalawang brand new S-70i Black hawk Utility Helicopters ng PAF ang naghatid kahapon ng 2,400 vials ng covid vaccines sa Quezon Province, Camarines Sur at Albay mula sa Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City. Nauna nang ipinag-utos ni Philippine Air Force chief Lt. Gen. Allen T Paredes ang full mobilization ng kanilang air assets na dineploy para sa paghahatid ng COVID-19 vaccine sa malalayong lalawigan. Sunod nilang target ang delivery sa mga medical center and hospitals sa Northern Luzon, ayon kay PAF PIO chief Col. Meynard Mariano. (JESSE KABEL)
