4 BARANGAY SA CALOOCAN MAY 500 CASES

NAKAPAGTALA ng mahigit 500 kaso ng COVID-19 ang apat na barangay sa Caloocan City noong Marso 17.

Base sa data na nakuha ng Peryodiko Filipino Inc. (SAKSINGAYON), hanggang Marso 17, 2021 mula sa Caloocan City COVID-19 updates, nabatid na nangunguna sa may pinakamataas na kaso ng naturang sakit ang Barangay 176 ng District 1 na may kumpirmadong kasong 1,300, nakarekober 1,204, aktibong kasong 37, namatay 59; sumunod ang Brgy. 177 ng District 1 na may kumpirmadong kasong 760, aktibong kasong 24, nakarekober 707, namatay 29; pangatlo ang Brgy. 171 ng District 1 na may kumpirmadong kasong 716, aktibong kasong 50, nakarekober 644, namatay 22, at ang pang-apat ang Brgy. 178 ng District 1 na may kumpirmadong kasong 572, aktibong kasong 24, nakarekober 514 at namatay 34.

Ayon pa sa data ng Caloocan City Health Department and City Epidemiology and Surveillance Unit, ang total confirmed cases ay 15,850, total recoveries 14,512, active cases 830, total deaths 508; fresh cases 104, late cases 53, at probable suspect 85.

Kamakailan, ang lokal na pamahalaan ng Lungsod Caloocan ay nagsagawa ng paglilinis sa ilang barangay para sa maiwasan ang pagkalat ng virus. (JOEL O. AMONGO)

134

Related posts

Leave a Comment