QUEZON – Sinibak sa pwesto at nahaharap sa kaso ang chief of police ng bayan ng Lucban sa lalawigang ito, makaraang molestiyahin umano ang isang babaeng pulis noong Marso 25 ng gabi sa Brgy. Wakas, Tayabas City.
Ayon sa ulat kay Quezon Province acting provincial director, P/Col. Ericson Dilag, agad sinibak sa pwesto si P/Maj. Rizaldy Merene matapos sampahan ng kasong acts of lasciviousness ng babaeng pulis na hindi pinangalanan.
“This act is not virtue of a responsible, respected and disciplined police officer following the PNP’s intensified internal cleansing program,” pahayag ni P/Col. Dilag.
Pansamantalang papalit sa pwesto si P/Major Lauro Moratillo bilang chief of police ng Lucban MPS, habang si Major Merene ay mananatili muna sa Quezon Provincial Holding and Accounting Section (PHAS) habang dinidinig ang kanyang kaso sa City Prosecutor’s Office ng Tayabas City. (CYRILL QUILO)
