Kaligtasan at proteksyon ng Pinoy BIRTHDAY WISH NI PDUTERTE

SASAILALIM si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa self-quarantine habang ipinagdiriwang ang kanyang ika-76 kaarawan, ngayon, Marso 28 sa Davao City.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na pinayuhan ng Presidential Security Group (PSG) at ng kanyang doktor ang pangulo na mag-self-quarantine para na rin sa kanyang proteksyon lalo pa’t sobra siyang na-expose sa mga opisyal at iba’t ibang tao habang ginagampanan ang kanyang presidential duties.

Magkagayunman, tiniyak ni Panelo na ipagpapatuloy ng chief executive ang kanyang presidential duties kahit pa sumasailalim ito sa quarantine at habang ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan.

Sa kabilang dako, ang tanging birthday wish ng pangulo para sa mamamayang Pilipino ay i-obserba ang minimum health protocols para sa kanilang kaligtasan at proteksyon at tuluyang mawala ang coronavirus.

Nararanasan kasi ngayon ng bansa ang patuloy na pagtaas ng bilang ng nahahawaan ng COVID-19 cases.

Samantala, sinabi ni Panelo na ang panalangin naman ng buong bansa para kay Pangulong Duterte ay “good health and well being”. (CHRISTIAN DALE)

242

Related posts

Leave a Comment