BINABAKUNAHAN na laban sa COVID-19 ang mga senior citizen at comorbidities sa Malabon City.
Sa Malabon Elementary School isinasagawa ang pagtuturok ng AstraZeneca vaccines sa mga senior citizen habang maaari namang mamili kung Sinovac o AstraZeneca ang mga may comorbidity.
Ang mga babakunahan ay galing sa master list ng mga nagparehistro sa online form at mula sa mga barangay health center.
Maaaring makipag-ugnayan sa health center o hintayin ang kanilang text o tawag para sa iskedyul ng pagbabakuna.
Tuloy-tuloy pa rin pagpaparehistro para sa bakuna sa lungsod. Maaaring pumunta sa barangay health center o sagutan ang online pre-registration form para magpalista at magparehistro.
Samantala, binakunahan na rin ang senior citizens sa mga lungsod ng Caloocan at Navotas. Habang sa Marso 30 sisimulan ang pagbabakuna sa comorbidities sa lungsod ng Caloocan.
Sa kabilang dako, wala pang abiso ang Valenzuela City hinggil sa kanilang COVID-19 vaccination rollout. (ALAIN AJERO)
