VLOGGER BIKTIMA NG FAKE BOOKING

NAGPASAKLOLO sa Manila Police District ang isang babaeng vlogger makaraang mabiktima ng “fake booking” at umabot sa P15,000 ang binayarang pagkain na hindi naman niya inorder ngunit idiniliber sa kanyang bahay sa Sampaloc, Manila.

Ayon sa nagreklamong si alyas “Rosmar,” dumating sa kanilang bahay ang sinasabing inorder niya na milk tea, manok, pizza, shawarma at sex toys noong Huwebes.

Una umanong dumating ang delivery na may kasamang pagkain at milk tea ngunit nang itanggi niya na siya ay umorder ay nagalit ang rider kaya napilitan siyang bayaran ang pagkain at ibinigay na lamang sa rider ang milk tea.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay sunod-sunod na dumating ang mga rider na may “fake booking” na nakapangalan din sa kanya.

Isang delivery rider ang nag-text sa numerong umorder sa kanya at sumagot naman umano at sinabing ipaalam sa biktima na bigyan siya ng P5,000 para itigil nito ang ginagawang fake bookings.

“Bigla pong may nagpa-pop up sa G-mail ko, meron daw po akong order, G-mail ko po talaga, ibig sabihin parang sa akin po talaga siya naka-address, pati address ko, two-door refrigerator worth nasa P4,000. Eh grabe naman,” ayon sa biktima.

Dahil dito, napilitang magreklamo ang biktima sa himpilan ng pulisya kaugnay sa fake booking.

Samantala, napag-alaman mula kay MPD director, P/BGen. Leo “Paco” Francisco, maaaring makulong ang nasa likod ng fake booking ng hanggang 6 na buwan lalo na ngayong may pandemya.

Inatasan ni General Francisco ang babaeng vlogger na pormal na magreklamo sa PNP Anti-Cybercrime Division para ma-track ang suspek at mapanagot sa panloloko nito. (RENE CRISOSTOMO)

210

Related posts

Leave a Comment