SUICIDE SA OVERPASS

LUCENA CITY – Namatay ang isang hindi kilalang lalaki matapos na tumalon mula sa underpass ng Lucena City Diversion Road nitong Biyernes ng umaga.

Batay sa report ng Lucena City Police, nakita na lamang ng mga bystander ang lalaki nang tumalon mula sa underpass sa Barangay Gulang-Gulang dakong alas-7:45 ng umaga.

Mabilis na isinugod ang biktima ng mga tauhan ng City DRRMO sa ospital ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na tinatayang nasa 30 hanggang 40-anyos. (NILOU DEL CARMEN)

 

382

Related posts

Leave a Comment