HINIMOK ni Senador Sonny Angara ang gobyerno at private entities na gayahin ang community pantries na kumakalat ngayon sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sinimulan ang community pantry sa Maginhawa sa Quezon City at ngayon ay makikita na rin sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan na naglalayong tulungan ang mga higit na nangangailagan.
“It is encouraging to see more Filipinos demonstrating the bayanihan spirit by putting up community pantries for the benefit of people who are struggling during these very challenging times,” saad ni Angara.
“Maliit na bagay kung tutuusin ang pamamahagi ng libreng gulay, prutas, bigas, tubig o noodles ng isang tao, pamilya o grupo ng tao, para sa mga naghihirap sa panahon na ito dahil sa nawalan sila ng hanapbuhay ay malaking tulong na ito para mapatid ang gutom hanggang sa makaahon na sila muli sa pandemiya na hinaharap ng ating bansa,” diin pa ni Angara.
Binigyang-diin ni Angara na ang maliliit na aksyon na ito ng pribadong mamamayan ay may malawak na epekto at marami ang natutulungan.
“We encourage our local government units, the national government, and even private businesses who can afford it to replicate and even scale up these community pantries to cater to even more people,” diin ni Angara.
“One small gesture when duplicated by a large number of people will amount to something very meaningful,” dagdag nito. (DANG SAMSON-GARCIA)
132
