Duterte kay Carpio KANDIDATO SA 2022 ILALAMPASO

(CHRISTIAN DALE)

HAYAGANG kinuwestiyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kakayahan ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio at ng democratic coalition 1Sambayan na kumuha ng kanilang kandidato na isasabak sa 2022 polls.

“‘Yang si Carpio, huwag ka na sumali sa politiko. Wala kang alam diyan, para kang buang. Yung grupo mo (1Sambayan) tingnan mo sa election, malampaso. Anong ginawa ninyo, puro papel?” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.

Ang pagresbak ni Pangulong Duterte kay Carpio ay tugon sa pasaring nito ukol sa pananahimik ng punong ehekutibo sa presensiya ng Chinese vessels sa West Philippine Sea.

“Noon ko pa sinabi yan, hindi nakinig si Carpio e yang papel papel mo, huwag mo ako isali diyan. You know, Chinese government will just give you a finger. Hindi mo matakot ang mga yan. Because you firmly believe na kanila yan. Kontra sa atin, it is also a considered opinion that it is ours,” ani Pangulong Duterte.

Ang 1Sambayan, isang coalition ng grupo at personalidad ay naghahangad na makapagpuno ng single opposition ticket sa 2022 national elections.

Samantala, tinawag na “dreamer” ni Pangulong Duterte si Carpio sabay sabing hindi niya mapipigilan ang China na sumalakay sa Pilipinas kahit pa magpasaklolo ang bansa sa United Nations tribunal.

“Ito namang si Carpio, daldal nang daldal. Ano pa bang gusto mo? You think China will obey United Nations? I’ll ask you a question, if United Nations will ask China because of that award given to us ibibigay ba ng China yan? Yan ang problema,” ani Pangulong Duterte, na ang tinutukoy ay ang 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration, na pabor sa claims ng Pilipinas sa WPS.

Nagsimula aniyang pasukin ng China ang Philippine waters sa rehimen ni dating Pangulong Benigno Aquino.

“‘Yan ang di ko maintindihan kay Carpio. He is a dreamer, and besides ang amo niya, it started the occupation of constructive… the constructive occupation of China happened during the Aquino administration,” ani Pangulong Duterte.

139

Related posts

Leave a Comment