ONLINE RETAILER HULI SA 1.9 KG NG MARIJUANA

CAVITE – Arestado ang isang online retailer makaraang mahulihan ng mga operatiba ng tinatayang 1.9 kilo ng marijuana sa Imus City, sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat na nakarating kay CALABARZON Regional Director Brig. Gen. Felipe Natividad, kinilala ang suspek na si Joseph Gelilang, 22, isang online retailer.

Napag-alaman, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na pwersa ng Regional Drug Enforcement Unit 4-A, Regional Intelligence Division Special Operations Unit 4A, Imus City Police at PDEA Cavite sa Brgy. Carsadang Bago 1, Imus, Cavite laban kay Gelilang.

Nakumpiska mula sa suspek ang 19 sachets ng tuyong dahon ng marijuana, 1 sachet na marijuana seeds at isang bag ng dried marijuana stalk na umabot sa 1,900 gramo at tinatayang P28,000 ang street value.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002. (CYRILL QUILO)

301

Related posts

Leave a Comment