RIZAL – Bagama’t bagong panganak sa caesarian section, hindi nagpaawat ang isang babae sa pagtutulak ng ilegal na droga at nadakip sa buy-bust operation sa Sitio Pinagpala, Brgy. Kalayaan sa bayan ng Angono sa lalawigang ito.
Kinilala ni P/Lt. Col. Noel Campos, Angono chief of police, ang suspek na si Erica Custodio y Doldolia, 20, walang trabaho at nakatira sa Sitio Pinagpala, Brgy. Kalayaan sa nabanggit na bayan.
Makaraang matanggap ang impormasyon hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek ay nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Angono Police Drug Enforcement Unit (DEU) na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na nakumpiskahan ng 8 sachet ng umano’y shabu na 0.30 gramo at may street value na P3,000.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Angono lock-up jail at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (KNOTS ALFORTE)
154 