2 LALAKI PATAY SA SUNOG

DALAWANG lalaki ang namatay sa sunog na tumupok sa kabahayan ng 30 pamilya sa Caloocan City noong Biyernes ng gabi.

Animo uling na nang matagpuan ang bangkay ni Ronald Camacho, 44, sa kanyang naabong tatlong palapag na bahay sa #18214 2nd St., 3rd Avenue, Brgy. 118 kung saan nagsimula ang sunog.

Inatake naman sa puso habang nakikitang nasusunog ang kanyang bahay ang nakaratay dahil sa karamdaman na si Adonis Ventorozo, 38-anyos.

Ayon sa Caloocan City Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas-6:30 ng gabi at itinaas sa ikalawang alarma 20 minuto ang makalipas dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.

Tinatayang 20 bahay ang natupok at idineklarang fire-out ang sunog dakong alas-9:50 ng gabi.

Aabot sa P90,000 ang halaga ng mga aria-ariang naabo sa insidente. (ALAIN AJERO)

212

Related posts

Leave a Comment