DATING KONSEHAL PATAY SA AMBUSH

SARANGANI – Patay ang isang 41-anyos na dating konsehal habang sugatan naman ang misis nito makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek noong Linggo ng gabi sa bayan ng Malapatan, sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng Sarangani Police Provincial Office, kinilala ang biktimang namatay na si Montacier Celozar Singcoy, isang dating municipal councilor, habang nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan ang asawa nito.

Kasalukuyang inaaalam ng mga imbestigador ang posibleng motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga suspek sa pagpatay sa dating municipal councilor ng Malapatan.

Ayon sa pagsisiyasat, bandang alas-9:00 ng gabi noong Lunes nang pagbabarilin ng mga suspek ang mga biktima pagsapit ng sasakyan ng mga ito sa Purok San Jose, Brgy. Baluan, Gensan.

Sinasabing inabangan ng mga suspek ang pagdaan ng sasakyan na kanilang target at pagsapit sa nasabing lugar ay agad silang pinaputukan gamit ang caliber .45 pistol o caliber 9mm.

Dead on the spot si Singcoy sanhi ng maraming tama ng punglo sa katawan nito habang mapalad na sa paa lamang tinamaan ang misis nito. (JESSE KABEL)

127

Related posts

Leave a Comment