DEBIT-CREDIT NG PHILHEALTH HINDI LANG IIRAL SA NCR

NAKATAKDANG ipatupad ang Debit-Credit Payment Method ng PhilHealth sa lahat ng high and critical risk areas hindi lamang sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito’y ibinatay sa ginawang pag-apruba ng Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa nasabing hakbang.

Malinaw aniya na hindi lamang ngayon sa NCR plus ipatutupad ang nabanggit na sistema kundi pati na sa lahat ng high risk at critical risk areas sa labas ng Metro Manila plus.

Layon ng Debit-Credit Payment Method na mapabilis ang pagsasaayos ng bayarin sa health care facilities ngayong nasa State of Public Health Emergency ang bansa.

Magugunitang mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nag-utos na ipatupad ang nabanggit na sistema nuong kainitan ng pag-alma ng Private Hospital Association of the Philippines hinggil sa anila’y unsettled debts dahilan para magbawas ang ilang pagamutan ng kanilang manpower.

Ayon kay Sec. Roque, sa pamamagitan ng nasabing payment method ay matitiyak ang tuloy- tuloy na pagbibigay ng healthcare services. (CHRISTIAN DALE)

298

Related posts

Leave a Comment