Palasyo sa organizers ng community pantries PAGSUNOD SA HEALTH PROTOCOLS TIYAKIN

PINAALALAHANAN ni Presidential spokesperson Harry Roque ang mga organizer ng community pantries na makipag-ugnayan sa mga barangay official at iba pang local executives upang matiyak na masusunod ang minimum public health standards para maiwasan ang hawahan ng COVID-19.

Ito’y sa gitna ng patuloy na pagdagsa ng mga tao sa mga community pantry sa iba’t ibang lugar na pinangangambahan ng mga eksperto na posibleng pagmulan ng lalo pang pagkalat ng virus.

Samantala, suportado ng Malakanyang ang ipinalabas na gag order ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa dalawang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) matapos ang red-tagging sa mga organizer ng community pantry.

Tinukoy ni Presidential spokesperson Harry Roque sina Lieutenant General Antonio Parlade Jr. at Undersecretary Lorraine Badoy ng NTF-ELCAC matapos iugnay ng mga ito si Patricia Non, organizer ng Maginhawa community pantry sa komunistang grupo.

“Opo, we support General (Hermogenes) Esperon’s decision. Alam naman natin ang polisiya natin, wine-welcome natin ang bayanihan ng community pantries. Hinihingi natin sa lahat ng opisyales: maging mas maingat, malalim sa kanilang sinasabi,” ayon kay Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

198

Related posts

Leave a Comment