MATAPOS mapabilang sa mga organisasyon na na-redtag, pinangunahan ng unyon ng mga empleyado ng Senado ang paglalagay ng community pantry sa labas ng gusali ng Senado sa Pasay City.
Pangunahing naging target sa pantry ang mga janitor at blue guards ng Senado na apektado ng one-month lockdown nitong Marso hanggang Abril matapos na ilang empleyado ang nagpositibo sa COVID-19.
Bukod sa mga empleyado, nabiyayaan din ng mga pagkain mula sa community pantry ang ibang mga residente sa lungsod.
“We must redefine our role as public servants and broaden the meaning of delivery of public service,” pahayag ni Rosel Eugenio, presidente ng Senate employees’ union.
Sinabi ni Eugenio na bilang mga public servants, hindi dapat makulong sa pagbalangkas ng batas ang kanilang tungkulin at sa halip ay matulungan din nila ang mahihirap at higit na nangangailangan ngayong panahon ng pandemya.
“Our community pantry is a continuing effort of the union to serve the employees and the people under our project DAMAYAN which has been in action for a long time and enhanced under our new program ‘SAGIP KAWANI, SAGIP MAMAMAYAN’,” diin ni Eugenio. (DANG SAMSON-GARCIA)
259
