ANO NGA BA TAWAG SA MGA TAONG BIGAY BAWI?

KUNG ako po ang tatanungin, tama si Lt. General Antonio Parlade Jr., na tawagin niya ang ilang mga Senador na estupido!

Sino namang matinong mambabatas na matapos nilang payagan o pirmahan ang isang batas at pondohan upang maisakatuparan ito, ( ang tinutukoy ko po ay ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict’s NTF-ELCAC) ay karakarakang babawiin nila ito dahil lang sa hindi nagustuhan ang  mga binitiwang pahayag sa mga interbyu ng media.

Tinutukoy ko ang sinabi ni ­General Parlade na babala sa mga tao na  sinasamantala ang pagkakataon upang maisulong ang kanilang mga propaganda laban sa pamahalaan kaugnay ng mga lumulutang na community pantry?

Masyado yatang “ONION SKIN” itong ilang mga Senador ah!? Hindi niyo ba nabasa yung ­desisyon ng Kataas-taasang Hukuman na nagbabasura sa kaso ng isang pulitiko ng bansa na nagsasaad na kapag ikaw ay nasa Public Service huwag kayong balat sibuyas. Dapat ay handa kayong tumanggap ng batikos mula sa publiko o kapwa ninyo nasa gobyerno dahil kasama yan sa iyong pinasok na trabaho. Matanong ko nga po kayo mga Senador, anong ­tawag ninyo sa taong “BIGAY BAWI”?!

Kung kailan maganda na ang takbo ng National Task Force to End the Local Communist Armed ­Conflict’s (NTF-ELCAC) ay saka pa gumawa ng ganitong hirit ang ilang mga Senador. Ano ba talaga ang gusto ninyo mawakasan na ang kaguluhan ng bansa o magpatuloy lang???

Hindi pa ba kayo masaya na mayroon na tayong gobyerno na tinototoo na ang laban sa mga komunista at mga terorista na siyang ugat o puno’t dulo ng kaguluhan sa ating bansa?

Dahil sa ipinapakitang katotohanan ng liderato ng bansa, sa pamamagitan ng NTF-ELCAC, laban sa mga taong naghahasik ng kaguluhan sa mga kanayunan ay hindi na mabilang ang mga sumukong mga komunista dahil nakita nila na totoo at naipapaabot sa kanila ang mga programa ng gobyerno kaya maraming nahikayat na mga rebelde at nagbalik na ng tuluyan sa kamay ng ating pamahalaan.

Hindi ba dapat mas lalo pa nga nating pa-igtingin at suportahan ang ginagawa ng NTF-ELCAC kaysa sila ay batikusin at kung ano-ano pang mga kalintikan ang ginagawa ninyo sa kanila?

Kung di ba naman kayo sandamakmak na mga ewan eh! Hindi nyo ba naisip na nagpapalakpakan ang kampon ni Jose maria Sison dahil nagtagumpay sila sa kanilang propaganda na kayo-kayo ay mag away away!

Sa ilang mga Senador, hindi ba ninyo naiisip na mistulang taga suporta na rin kayo ng kampon ni Joma sa ginagawa ninyo sa NTF-ELCAC na sa halip na suportahan ninyo sila ay kayo pa mismo ang nagpapahina sa kanilang hanay?!.

Para na rin kayong mga taga Department of Health (DOH) na kunyari’y nagkakaloob ng hazard pay sa mga medical practitioner partikular na sa mga Nurses na siyang frontliner sa kinakaharap ­nating pandemya, iyon pala ay marami ring kabulastugan ang ginagawa na kinakaltasan pa ang Hazard Pay na para sa mga nurses.

Kailan ba nangyari na ang ­hazard pay para sa isang ­empleyado na nasa kritikal na trabaho ay kinakaltasan dahil sa hindi ito nakapasok?

Ano naman kayang kalintikang paliwanag mayroon ang DOH sa naturang isyu?!

Mga tinamaan kayo ng kulog!!! Kaya nga di nakapasok ang mga yan dahil naka-quarantine, dahil sa pagka expose sa nagpositibo sa ­COVID-19 na kanilang ­inaalagaan, Tapos kakaltasan ninyo yung ­hazard pay nila???, kaya nga tinawag na ­hazard pay yan eh dahil sa delikadong trabaho na kanilang ­ginagampanan, pagkatapos ganyan pa ang isusukli ng sinumang unggoy na nagpasimuno sa pagkaltas ng hazard pay ng mga nurses?!.

Isa pang tanong yung kinakaltas ninyong hazard pay ng mga nurses dahil sa umano’y di pagpasok sa kanilang trabaho,

Kaninong ingat yaman kaya napunta?!!

Dapat sa inyo maturukan ng  virus ng COVID-19 para maramdaman ninyo gaano kahirap ang sinasapit ng ating mga health workers na kahit nga buhay nila ay kanilang itinataya para lamang isalba ang buhay ng iba.

Sabagay tiyak na ­makakarating naman ang ­naturang isyu kay ­Pangulong Mayor Digong Duterte.

Pangulong Mayor, pakipitik nyo nga po ang ilong ng sinumang walang konsensyang unggoy na yan! Kaya tuloy karamihan sa mga bagong pasang Nurses sa ating bansa ay mas gustong magtrabaho sa ibang bansa dahil sa mga ganyang katiwalian.

Kakahiya kayo mga pinutukan kayo ng kulog ng amihan!!!

442

Related posts

Leave a Comment