P65-M SMUGGLED ITEMS HULI NG BOC-MICP SA MAYNILA

Aabot ng animnaput limang milyong pisong (P65-M) halaga ng iba’t ibang kalakal ang nasabat ng Bureau of Customs’ (BOC) anti-smuggling campaign, sa pamamagitan ng Manila International Container Port’s (MICP) Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS) sa Binondo, Maynila.

Ang nasabing opera­syon ay isinagawa sa tulong ng Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau of Investigation (NBI).

Ito ay sa pamamagitan ng implementasyon ng isang Letter of Authority (LOA) at Mission Order (MO) na nilagdaan ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.

Nauna rito, ay nagsagawa ng inspeksyon sa storage facility na naging dahilan ng pagkakadiskubre ng iba’t-ibang kalakal tulad ng BL Creams, Lotions, Speakers, 3M, at AIDELAI facemasks.

Ang nasabing mga kalakal ay hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) na may tinata­yang halagang market value na Php 65 Million.

Agad na isinagawa ang imbestigasyon at inventor­y para sa pagsasampa ng kaukulang kaso na paglabag sa Sec. 1400 of RA 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tarrif Act (CMTA).

Ang Manila International Container Port (MICP) sa ilalim ng patnubay ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero ay patuloy sa kanilang pangako sa pag-secure ng hangganan ng bansa laban sa smuggled and illegal goods.
(Joel O. Amongo)

314

Related posts

Leave a Comment