BOC NANGUNA SA JOINT CLUSTER MEETING NG NSW-TWG

Pinangunahan ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pagsasagawa ng pagpupulong para sa Nationa­l Single Window – Technical Working Group (NSW-TWG).

Kasama rin sa nakiisa sa pulong sina Anti- Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica, bilang Vice Chairperson for NSW Onboarding Matters, at BOC Management Information System and Technology Group (MISTG) Deputy Commissioner Allan Geronimo bilang Vice Chairperson for NSW Technical Matters.

Sa Joint NSW-TWG Meeting, ang DOF TRADENET Project Management Office (PMO) ay inilahad ang natuklasang impormasyon na makatutulong sa pagbalangkas ng mahusay na pamamaraan na makuha ang lahat ng target ng bawat Trade Regulatory Government Agencies (TRGAs) sa loob ng taong 2021.

Sa pamamagitan ng isina­gawang survey ay nabatid na mahalagang sangkap ang pagkakaroon ng sariling Information Technology (IT) departments na gagawa ng mga automated systems para sa trade-related processes.

Dahil dito, nagkasundo sa pagpupulong na gawing prayoridad ng bawat ahensiya ang pagkakaroon ng business data gathering at commodity codes identification.

Ang ARTA naman bilang Vice Chairperson for NSW Onboarding Matters ang siyang mag-uulat at magpapadala ng Notices of Warning sa mga ahensiya na hindi tumutulong at hindi sumusunod sa mga patakarang sinusunod sa Ease of Doing Business at Anti-Red Tape Advisory Agency.

Iniulat din ng ARTA, na ang sinumang hindi pa nakakasunod ay isasailalim sa imbestigasyon o kaukulang administratibong hakbang.

Para sa pagpapanatili ng Cluster Meetings at activities, kasunod ng mga ahensiya ay nominado bilang Chairpersons ng kani-kanilang NSW-TWG Clusters:Department of Finance – Revenue Office (DOF-RO) for the NSW-TWG Tax and Duty Exempt Cluster; and Department of Social Welfare and Development (DSWD) for the NSW-TWG Relief, Consignment, and Foreign Donations Cluster. (Joel O. Amongo)

130

Related posts

Leave a Comment