INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga local chief executives na ipatupad ang batas laban sa mga lalabag sa health protocols na naglalayong pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).
Dismayado ang chief executive sa patuloy na pagkalat ng nasabing sakit dahil sa mga sumusuway.
“Rules are there and you do not follow, well, let me tell you, under the police power of the state, ang mayor, ang barangay captain, because they are persons of authority. Ang guidance binibigay sa police because the supervision belongs to the mayor,” dagdag na pahayag ng pangulo.
Ipinag-utos naman ni Pangulong Duterte sa mga alkalde na maging responsable sa kanilang mga nasasakupan para matiyak na masusunod ang health protocols. (CHRISTIAN DALE)
352
