IVERMECTIN SUSUBUKAN SA BABOY NA MAY ASF

NAGPASYA si Agriculture Secretary William Dar na pag-aralan kung maaaring ipakain sa baboy ang Ivermectin upang malutas ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF).

Upang lumarga ang pag-aaral, nagbuo si Dar ng grupong magsasagawa nito sa Ivermectin.

Ang Ivermectin ay matagal nang ginagamit sa bansa bilang gamot sa sakit ng kabayo.

Ginagamit din ito sa tao, ngunit paglunas sa sakit sa balat.

Mainit na isyu ang Ivermectin makaraang ilaban ng ilang doktor na ipanggamot ito sa mga taong tinamaan ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) at maging pananggalang laban sa naturang sakit.

Ngunit, ang gamot laban sa COVID-19 ay tinitimpla muna bago ibigay sa tao.

Bukod sa Ivermectin, ipinasama ni Dar ang iba pang gamot sa hayop tulad ng ASF Buster at Cloud Feed upang matukoy kung alin ang mabisang pampatigil ng ASF. (NELSON S. BADILLA)

274

Related posts

Leave a Comment