2 CTG MEMBERS PATAY SA PNP-PRO5

DALAWANG umano’y kasapi ng communist terrorist group ang napaslang ng mga operatiba ng PNP-Police Regional Office 5, sa pamumuno ni P/Brig. General Jonnel C. Estomo, noong Linggo sa bayan ng Capalonga, sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon kay P/BGen. Estomo, bandang alas-2:30 ng madaling araw, sinalakay nila ang pinagtataguan ni Noeme Avensado Marca, kilalang communist terrorist supporter/recruiter, at asawa nitong si Lourdes Gianan Marca, kalihim ng kilusan, sa Purok 2, Brgy. San Antonio, Capalonga, Camarines Norte.

Sinasabing kapwa kasapi ng CPP-NPA ang mag-asawa at nagsilbi sa San Antonio base CTG/SPL, ilalim ng pamumuno ng isang “Ka Ding”.

Sa isinagawang intelligence driven validation, nabatid na kapwa kasali ang dalawa sa inilunsad na mga kilos protesta Mendiola, Manila kaugnay sa paggunita ng 30th Mendiola Massacre anniversary noong Enero 22, 2017.

Kapwa nahaharap ang mag-asawa sa mga kasong paglabag sa RA 9516 (illegal possession of explosives) at RA 10591 (illegal possession of firearms and ammunitions) at pakay ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Arniel A. Dating, presiding judge ng RTC Branch 41, 5th Judicial Region, Daet, Camarines Norte, na may petsang Abril 21, 2021.

Nabatid na bago maisilbi ang warrant of arrest ng mga operatiba ng PRO 5, Police Intelligence Unit ng Camarines Norte PPO, 96th Infantry Battalion ng Philippine Army, 2nd Provincial Mobile Force Company at Capalonga Municipal Police, na pinangangasiwaan ni P/Col. Julius Danao Guadamor, provincial director ng Camarines Norte PPO, sinalubong sila ng sunod-sunod na putok ng mga suspek kasama ang sampung hinihinalang mga terorista,

Isang pulis ang nahagip ng bala sa tagiliran kaya napilitang gumanti ng putok ang mga awtoridad na tumagal ng 15 minuto na nagresulta sa pagkamatay ng mag-asawa. (JESSE KABEL)

176

Related posts

Leave a Comment